Patapos na ang semestre. Ang aking huling semestre. Bigla na lang bumalik sa akin ang lahat ng mga naganap nung nagdaang apat na taon. Kay bilis talaga ng oras. Apat na taon na pala ang lumipas nang di ko napapansin. 'Di ko rin namalayan na marami na pala akong na-miss.
Hindi na ako ulit nakapag-ICs.
Hindi pa ako nakakapag-elbeatz.
Hindi pa kami nakakapag movie marathon ng mga kaibigan ko.
At hindi pa kami ulit kumakain sa Mang Toto's.
Dala na rin ng paglaki ang paglisan. Ngunit mahirap pa rin. Dahan-dahan mong ihihiwalay ang sarili mo sa LB at sa mga taong bumuo ng buhay-kolehiyo mo. Di mo rin maiiwasan na makakapag-iwan ka sa kanila ng mumunti at sari saring bahagi ng ng iyong pagkatao. At paggising mo isang araw, maalala mo sila bigla at magpaparamdam ang alaala, ang naiwan.
Pages
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment